Halos 1,200 na trabaho umano ang available sa Israel para sa mga Pinoy, ito ay ayon sa Department of Migrant Workers (DMW). Malaki rin umano ang sahod na maaaring makuha, P80,000 kada buwan at kasama na rin ang mga benefits sa makukuha.

para sa mga Pinoy, ito ay ayon sa Department of Migrant Workers (DMW). Malaki rin umano ang sahod na maaaring makuha, P80,000 kada buwan at kasama na rin ang mga benefits sa makukuha.

May paalala naman ang DMW sa mga gustong mag-apply upang hindi maloko online, sa mga official channels lang umano mag-apply at ang aplikasyon din naman dito ay walang hinihingi na bayad.

Dagdag pa rito, kailangan ng mga maga-apply na magkaroon ng TESDA National Certificate (NC 2) at iproseso na rin ang online registration bago magtungo sa mga opisina ng DMW.

“Ang atin pong initiation ng ating application of course online. Kinakailangan lang po sundin natin yung mga requirements,” ayon kay DMW Undersecretary for Licensing and Adjudication Services Bernard Olalia.

The post 1,200 na trabaho bakante para sa mga Pinoy sa Israel first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT