Patay ang isang 2 taong gulang na batang babae matapos maiwan ng kanyang ama sa loob ng kotse nitong Sabado.

Ayon sa mga awtoridad ng Osaka, Japan, inakala umano ng ama ng bata na naibaba niya ito noong umaga sa pinapasukang nursery school.

Nang bumalik siya sa paaralan bandang alas-5 ng hapon, sinabi umano sa kanya ng mga guro na hindi pumasok ang kanyang anak.

Dahil dito, pinaghahanap ng ama ng biktima ang kanyang anak kung saan natagpuan niya itong walang malay sa loob ng sasakyan.

Mabilis namang naisugod sa ospital ang bata ngunit binawian na ito ng buhay.

(STN)

The post 2-anyos tigok nang maiwan sa loob ng sasakyan first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT