Nasawi ang anim na katao matapos magsalpukan sa ere ang dalawang eroplano sa isang show sa Dallas.

“According to our Dallas County Medical Examiner, there are a total of 6 fatalities from yesterday’s Wings over Dallas air show incident,” ayon kay Dallas County Judge Clay Jenkins.

“Authorities will continue working today on the investigation & identification of the deceased. Please pray for their families and all involved,” dagdag pa nito.

Ang dalawa sa nasawi ay dating miyembro ng Allied Pilots Association at ang isa pa ay miyembro naman ng Ohio Wing Civil Air Patrol.

Nangyari ang insidente matapos magkita sa ere ang Boeing B-17 Flying Fortress at Bell P-63 Kingcobra, mabilis ang naging pangyayari at nang nagkabangga na ang dalawang eroplano ay tumalsik pa ang ilang parte ng eroplano sa mga manonood.

“As many of you have now seen, we have had a terrible tragedy in our city today during an airshow. Many details remain unknown or unconfirmed at this time.” ayon kay Dallas Mayor Eric Johnson.

(CS)

The post 2 eroplano nagsalpukan sa ere, 6 todas first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT