Ibinahagi ng isang netizen ang kaniyang naging karanasan matapos itong tulungan ng dalawang policewomen. Ayon kay Jake Villamor, nawala umano ang kaniyang relos matapos kumain ng dinner sa isang restaurant.

Dito na na-stress si Jake sa kakahanap ngunit nilapitan siya ng dalawang policewomen upang tanungin kung ano ang hinahanap nito, dito na niya nabanggit na nawawala ang kaniyang relos.

Matapos naman kumpirmahin ni Jake sa mga kapulisan ang kulay at brand ng nawawalang relos, dito na nila ibinalik kay Jake ang narekober nilang relos.

Labis naman ang pasasalamat ni Jake sa dalawang policewomen.

“I would like to send by BIGGEST THANKS to PCpl. Mamaril and PLt. Batbat of Angeles City Police Office Angeles Presinto Singko for displaying an act of HONESTY AND SELFLESSNESS. They could’ve took the watch without anyone knowing but still chose to return it to the rightful owner. I hope you’ll never get tired of helping people and embody the PNP’s motto “TO SERVE AND PROTECT”. KUDOS‼💯” saad sa caption ni Jake.

The post 2 Policewomen sinauli ang napulot na relos first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT