Arestado sa sunud-sunod na operasyon ng Criminal Investigation and Detection Group sa Cavite ang tatlong indibidwal na nagsasagawa ng dental procedure na walang lisensya.

Ayon sa ulat ng 24 Oras, ni-raid ng mga awtoridad ang ang isang dental clinic sa loob ng isang bahay sa Trece Martires.

Dito, naabutan nila ang isang lalaki na nakaupo sa gaming chair na nagsisilbing dental chair.

Sinabi ng suspek na hindi siya lisensyadong dentista dahil siya ay assistant na natutong lang sa dental procedure.

Isang clinic naman ang ni-raid sa Trece Martires habang isa naman ang subject ng operasyon sa Tanza.

Samantala, babala ni Philippine Dental Association president Sheryl Del Rosario: “Ang napatunayang lumabag sa batas ng Philippine Dental Act of 2007 or the Republic Act 9484 ay may multang P200,000 hanggang P500,000.”

(STN)

The post 3 dentista na walang lisensya sa Cavite arestado first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT