Ipinadala ng Kamara de Representantes sa Senado ang apat na panukala na naglalayong pagandahin ang kalagayan ng mga manggagawa sa bansa.

Ito ang panukalang pagtataas ng service incentives leave sa 10 araw mula sa lima (House Bill 988), Barangay Skilled Workers bill (HB 924), Caregivers Welfare bill (HB 227), at Media Workers Welfare bill (HB 454).

Ang mga panukala ay magkakahiwalay na inaprubahan ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa.

Ayon sa chairman ng House Committee on Labor and Employment na si Rizal Rep. Fidel Nograles mahalaga na mabigyang halaga ang kontribusyon ng labor force sa pag-unlad ng bansa.

“Labor markets are important especially in developing countries like ours as employment status is one of the key determinants of eradicating poverty,” sabi ni Nograles.

Dagdag pa ni Nograles nakasalang sa plenaryo ng Kamara ang dalawa pang panukala—ang panukalang pag-amyenda sa Batas Kasambahay (HB 4479), at pagbabawal sa mga employer na hindi tumanggap ng babaeng empleyado sa dahilan na sila ay babae (HB 4479).

“The Committee on Labor strives to be attuned to the needs of our labor force. Our goal is to create more and better jobs by strengthening our labor market, by way of empowering our workers,” dagdag pa ni Nograles. (Billy Begas)

The post 4 panukalang magpapabuti sa kalagayan ng manggagawa ipinadala sa Senado first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT