Handang isakripisyo ng isang ama ang kanyang dream wedding para sa baby niya na kailangan ng surgery sa puso.

Ito’y matapos mag-post ang netizen na si Harold Aquino dahil kailangang ipasalo ang kanyang kasal na gaganapin sana sa Tagaytay.

March 25, 2023 sana ang wedding ni Harold at kanyang partner sa Hacienda Solange sa Alfonso, Tagaytay.

Ngunit pinapasalo niya ito sa ibang couple na magpapakasal din.

Ayon kay Harold, ang pagpapasalo niya sa wedding venue, reception at iba pang kasama sa wedding package ay dahil kailangang sumalang sa heart surgery ng kanilang baby.

Sa hiwalay na Facebook post ni Harold, sinabi niya na nasa Philippine Heart Center ang kanyang anak dahil sa coarctation of aorta.

Sa ngayon ay settled na raw ang wedding pasalo at nagpasalamat din sa lahat ng gustong tumulong sa kanila.

The post Ama pinasalo kasal, pera gagamitin sa surgery ng kanyang baby first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT