Hindi lang ang Twitter at Meta ang nagpatalsik ng mga trabahador kundi pati na rin ang isa sa mga pinakamalaking kumpanya na Amazon.

Tinatayang magtatanggal ito ng nasa 10,000 empleyado. Ang mga maapektuhan umano na departamento dahil sa pagtanggal ng mga empleyado ay ang devices department, retail division at human resources.

Maaari pa umanong magbago ang bilang ng mga empleyado na tatanggalin ngunit ang hindi na magbabago ay ang pagpapatalsik ng mga trabahador, ito na ang pinakamadaming pinatalsik ng kumpanya sa loob ng halos tatlong dekada.

Si Jeff Bezos ang may-ari ng Amazon, isa rin si Bezos sa mga pinakamayaman na indibidwal sa buong mundo. Noong 2021, nanguna si Bezos sa ‘Forbes’ list of the world’s wealthiest people’.

Itinayo ang Amazon noong 1994 bilang isang online bookstore at magmula noon ay patuloy ang pagsirit nito sa e-commerce.

(CS)

The post Amazon sisibakin ang nasa 10,000 empleyado first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT