Ikinagulat ng isang netizen ang bagong presyo ng pandesal matapos nitong bumili matapos ang ilang buwan na hindi pagbili ng tinapay.

Ibinahagi ni Deck Garcia ang kaniyang karanasan nang minsang bumili ng pandesal, hindi na umano siya masyado nakakabili ng pandesal dahil kadalasan ay brunch na siya nagsisimula ng pagkain.

“mula sa opisina, bumili ako ng pandesal bago umuwi sa bahay (after how many months). worth 30 pesos. ayokong kunin kasi binigyan ako ng supot na maliit, pero yun pala yung akin…. pagbukas, 5 pcs. sais bawat isa, i was surprised gawa ng di ako sanay mag breakfast usually brunch na. anong point ko? kung akong may maayos na trabaho at maayos na income eh nagulat sa presyo paano pa kaya ang masa, ang mga maralita, ang mga nasa laylayan? ngayon nyo sabihin sa akin na hindi totoo ang inflation.” saad sa caption ni Deck.

Matatandaang sumipa noong nakaraang buwan ang inflation sa 7.7%, dahil sa pagsipa nito hindi maikakailang patuloy rin ang pag-akyat ng mga presyo ng bilihin na talaga namang mahihirapan ang mga nasa laylayan.

(CS)

Read more:

Taas-presyo ng Pinoy Pandesal, Pinoy Tasty inihirit

P4 pandesal hirit ng mga panadero

Pulis itinumba habang bumibili ng pandesal

The post Ang sakit mo inflation! Netizen nagulat sa presyo ng pandesal first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT