Mula sa 73 bumagsak sa 71 ang average life expectancy ng mga Pinoy ito ay ayon sa pag-aaral ng World Bank para sa 2020. Ngunit ayon sa forecast ng Philippine Statistics Authority (PSA) ngayong taon, magkaiba ang average life expectancy ng lalaki at babae na Pinoy, para sa lalaki ay 71 at sa mga babae naman ay 78.

Sa Asya naman matatagpuan ang may pinakamataas na average life expectancy, ito ay ang Hong Kong at Japan na nakapagtala ng 85 na taon. Ito ang pinakamataas sa buong mundo.

Narito pa ang ilang lugar na matataas rin ang average life expectancy, ang Singapore ay nakapagtala ng 84, Australia na may 83 at New Zealand na may 82 taon.

Samantala, mula naman sa Africa ang isa sa mga pinakamababa na nakapagtala ng average life expectancy at ito ang Central African Republic na may 54 taon lamang. Ilang bansa rin ang nasa 50 pataas lamang ang average life expectancy, ito ay ang South Sudan na may 58 at Nigeria na may 55.

The post Average life expectancy ng mga Pinoy sumadsad first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT