Inanunsyo ng Twitter sa kanilang mga empleyado ang pagpapasara ng mga opisina sa nasabing kumpanya. Suspendido rin umano ang mga badge access.

“We’re hearing this is because Elon Musk and his team are terrified employees are going to sabotage the company. Also, they’re still trying to figure out which Twitter workers they need to cut access for.” ayon sa tweet ni @ZoeSchiffer.

Muli naman daw bubuksan ang mga opisina sa Nobyembre 21.

Ilang netizens naman ang hindi nagustuhan ang mga naging hakbang ni Musk sa Twitter magmula ng ito ay maupo at may ilan pa na nagsabing sinisira lang ni Musk ang Twitter.

Matatandaang magmula ng hawakan ni Musk ang Twitter ay madami kaagad itong pinatupad katulad na lang ng pagpapatalsik sa 7,500 na empleyado kasama na ang mga matataas na opisyal.

Si Musk ang isa sa mga pinakamayamang tao sa mundo at CEO rin ng kumpanyang Tesla at SpaceX. (CS)

The post Babu Twitter? Mga opisina ng Twitter ipinasara first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT