Nasungkit ng 9-anyos na taga-Albay ang gold medal sa 6th Eastern Asia Youth Chess Championship na ginanap sa Bangkok, Thailand mula Nobyembre 4 hanggang Nobyembre 13.

Ibinahagi ni Sarah Jane Canalita Robrigado sa Facebook ang larawan ni Bince Rafael Operiano, ng Barangay Busac, Oas, habang hawak ang kanyang tropeo.

“From Oas Albay Chess Prodigy wins Gold Medal and Received a Trophy in Bangkok Thailand. BINCE RAFAEL OPERIANO, 9 years old. CHAMPION – International Chess Competition. Eastern Asia Youth Chess Championships 2022 Standard Rapid Blitz (U-10),” saad ni Sarah Jane.

“Thank you for inspiring us, our future World Grand Master!” dagdag niya.

Si Operiano ang napiling maging kinatawan ng Pilipinas matapos niyang magwagi sa “Boys Under 9 category” ng National Youth and Schools Chess Championship Grand Finals noong Setyembre sa Dapitan City, Zamboanga del Norte. (IS)

The post Batang taga-Albay kampeon sa chess championship sa Thailand first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT