Imbis na inutang na pera ang makuha ng isang babae ay suntok ang kaniyang nakuha sa lalaki na kaniyang sinisingil. Nagtamo ang babae ng sugat sa kilay matapos itong bangasan ng lalaki.

Ang biktimang babae na may edad na 47 ay mula sa Laguinbanua West, Numancia at ang lalaking suspek naman na kaniyang sinisingil ay mula sa Brgy. Bulwang, Numancia, Aklan.

Nagkita umano ang dalawa sa sabungan kaya’t mabilis na nakahanap ng tsansa ang babae na singilin na ito ng utang na nagkakahalaga ng isang libong piso ngunit tila mabilis na uminit ang ulo ng lalaki at sinagot ang babae na wala itong pera at mabilis na pinakawalan ang suntok sa mukha ng babae.

Matapos ang insidente, mabilis na nagsumbong ang babae sa mga awtoridad ngunit hindi na naabutan ng mga awtoridad ang suspek sa lugar.

The post Bebot naningil ng utang, sapak ang natanggap first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT