Kitang-kita ang pagiging kamote ng ilang taxi drivers matapos harangan ang bike lane at gawin itong sakayan, hindi lang isang taxi ang gumawa nito kundi nagkasunod-sunod pa.

Makikita naman sa video na ilang siklista na lang ang nag-adjust upang maiwasan ang mga kamoteng driver. Malaking perwisyo ito para sa mga siklista lalo na’t kailangan pa nilang gumitna sa daan upang makadaan.

Ginawa ang bike lane upang maprotektahan ang mga siklista sa kapahamakan lalo na’t punong-puno ng mga mabibilis na sasakyan ang kahabaan ng kalsada lalo na kung rush hour.

Alamin ang buong detalye ng report sa video na ito,

The post Bike lane hinarangan ng mga kamoteng taxi drivers first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT