Maraming Marvel fans ang hindi nagpahuli sa bagong palabas nito na ‘Black Panther: Wakanda Forever’.

Sa North America ay nakapagtaya kaagad ng $180 milyon ang nahakot ng pelikula, tinataya naman nasa $330 milyon ang nahakot nito sa buong mundo.

“Reviews and audience scores are excellent — Wakanda should dominate moviegoing… into December.” saad ni David A. Gross ng Franchise Entertainment Research.

Ang pelikula ay tribute sa pumanaw na aktor na si Chadwick Boseman, ang dating bida ng pelikula. Pumanaw ito dahil sa sakit na cancer noong 2020 sa edad na 43.

Hindi na bago ang pagputok ng palabas na ‘Black Panther’, noong unang paglabas nito ay humakot na kaagad ito ng $202 milyon sa opening pa lang at nakakuha pa ng nominasyon para sa best picture sa Oscar.

(CS)

The post ‘Black Panther: Wakanda Forever’ dinumog ng tao first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT