Hindi pa man nakakalagpas ang isang linggo matapos ang ginanap na Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) summit sa Cambodia, nagpositibo sa COVID-19 si Cambodian Prime Minister Hun Sen.

Matatandaang iba’t ibang lider ng iba’t ibang bansa ang nakasalamuha ni Hun Sen sa nasabing summit. Kasama na rito sina US President Joe Biden at si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Samantala, naging usap-usapan rin ang pamimigay ni Hun Sen ng mga mamahaling relos sa mga dumalong lider sa summit.

“These watches have been prepared and assembled by pure Cambodian technicians, which is part of scientific and technology and developments of Cambodia,” ayon kay Hun Sen.

Kilala si Hun Sen na mahilig sa mga mamahaling relos at madalas din na nakikitang may suot na milyon-milyong halaga ng relos katulad na lamang ng Patek Philippe and Richard Mille, na nagkakahalaga ng nasa lagpas $1 milyon.

(CS)

The post Cambodia PM Hun Sen tinamaan ng COVID-19 first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT