Nanawagan ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ng maayos na libing para sa mga bilanggo na namatay sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).

Ani Episcopal Commission on Prison Pastoral Care Executive Secretary Fr. Nezelle Lirio, nararapat ding bigyan ng respeto at dignidad ang mga preso.

“Kasi ‘yung katawan ay pinaglagakan ng kaluluwa na bigay ng Diyos sa atin. At siyempre, nu’ng nilikha tayo ng Diyos, nandoon ‘yung dignity of the human person. Kaya kumbaga, ‘yung paggalang sa buhay ng tao at paggalang din dun sa kanyang katawan eh dapat nandun,” saad ni Lirio sa isang ulat.

Ito’y matapos maiulat na 176 bangkay ng mga bilanggo ang hindi pa naililibing at nakatengga pa sa isang punerarya sa Muntinlupa City.

Sinabi ni forensic pathologist Dr. Raquel Fortun, na 120 sa mga bangkay ang naaagnas na. (IS)

The post CBCP nanawagan ng maayos na libing para sa mga namatay na bilanggo first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT