Viral sa Facebook ang larawan ng isang netizen dahil kapansin-pansin ang pagbabago sa kanyang itsura sa kanyang National ID.

Sa post ni Joemar Santos Torres, makikitang medyo chubby pa ang kanyang mukha sa kanyang ID.

Ngunit sa kanyang kasalukuyang photo ay malaki na ang ibinawas sa kanyang timbang.

May message tuloy siya sa Philippine Statistics Authority (PSA) dahil sa sobrang tagal na pagdating ng mga National ID.

“DEAR PSA, PUMAYAT NA’KO KAHIHINTAY”

Sa Senado, kinuwestiyon ng mga mambabatas ang PSA dahil sa delay ng pag-release ng mga National ID.

Dahilan ng PSA, kailangan daw nilang magsagawa ng manual verification dahil marami raw sa mga nag-register ay ‘close matches’.

The post Chubby pa sa ID! Netizen pumayat na kakahintay ng National ID first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT