Itinulak ng isang kongresista ang paggamit ng climate-smart agriculture sa bansa upang maparami ang produksyon ng pagkain sa bansa.

Ayon kay AGRI party-list Rep. Wilbert Lee dapat maging senyales ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay ng pagpaparami ng suplay ng pagkain upang palakasin ang Adaptation and Mitigation Initiative in Agriculture (AMIA) at Systems-wide Climate Change Office (SWCCO) ng Department of Agriculture (DA).

Sinabi ni Lee na mayroong 17 pilot site ang DA para sa naturang programa at ang kailangan ay suportahan at buhusan ng pondo ang mga ito.

“While some CRA practices are already being adopted by our farmers, the DA has noted that CRA uptake throughout the country is still low and limited by poor availability and access to improved seed, insufficient financial resources to cover investment,” sabi ni Lee.

Sa pamamagitan ng paggawa ng mga hakbang upang maging angkop ang sektor ng agrikultura sa pagbabago ng panahon, sinabi ni Lee na mas matitiyak ang suplay ng pagkain.

Ayon sa 2021 Global Climate Risk Index report ng Germanwatch Institute ang Pilipinas ang ika-apat na pinakamalubhang naapektuhan ng pagbabago ng panahon sa nakaraang 20 taon mula 2000. (Billy Begas)

The post Climate-smart agriculture itinulak para dumami pagkain first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT