Ibinahagi ng HoopX Basketball sa kanilang Facebook page ang kanilang nadiskubreng hawig na hawig ng basketball superstar na si Stephen Curry.

Isa umanong barbero ang lalaki na kahawig ni Curry at mula ito sa Caloocan.

“Talo sa shooting pero panalo sa gupit. Abangan ang aming panayam sa tinaguriang “Chicken Curry” ng Kaloocan.” saad sa caption ng HoopX Basketball.

Tuwang-tuwa naman ang mga netizen na nakakita sa larawan.

“Golden Steak Warriors… Chicken Curry…”

“Chicken Curry ft. Yao Ming 😅

“Dito na mabubuking ang tatay nila Seth at Step. Lilipad jan ang grupo ni Mam Jess 😁

“Tga Sta. Quiteria yn… barberong Bisaya yn…nadiscover nmn ka bai”

Si Stephen Curry ang isa sa mga pinakamagaling na player na naglaro sa larangan ng basketball. Sila ang defending champions ngayon sa NBA at kasalukuyang naglalaro sa Golden State Warriors kasama ang iba pa na all-star na sina Draymond Green at Klay Thompson.

(CS)

The post Curry nasa Pinas? Pinoy version ni Curry natagpuan first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT