Inihayag ni dating senadora Leila de Lima na nagpositibo siya sa Covid-19.

Sa isang statement, sinabi ng dating mambabatas na nagpositibo siya sa virus matapos ang antigen at RT-PCR test.

“When attending recent hearings in the [two] remaining trumped-up charges, with practically jampacked courtrooms, I felt it was just a matter of time before contracting the virus. So it is that last Saturday, Nov. 5, or a day after the hearing in one of the cases, I started having colds (running nose), mild cough, itchy throat and joint/body aches short of feverish, which prompted the tests,” sabi ni De Lima.

“Now in self-isolation (nothing new for me) in my isolated detention quarters. Taking anti-viral meds as prescribed by my doctors. Resting, reading a novel, praying,” dagdag pa niya.

Ayon kay De Lima, inatasan niya ang kaniyang mga staff na abisuhan ang mga taong nakasalamuha niya sa pagdalo sa hearing noong nagdaang linggo kabilang si Bureau of Corrections (BuCor) officer-in-charge Rafael Ragos, na humihingi sa kaniya ng paumanhin nang makita niya noong Biyernes.

Bukod kay Ragos, sinabi ni De Lima na inabisuhan na rin ng kaniyang mga staff ang kanilang mga abogado, prosecutor, court personnel, Philippine National Police (PNP) escorts at close-in female guard tungkol sa kaniyang kondisyon.

“I hope no one else got infected under such a setting. I’ll be fine,” saad ni De Lima. (Dindo Matining)

The post De Lima sapol sa COVID-19 first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT