Epektibo umano ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) subalit kailangan pa itong i-fine-tune o perpekin, ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo.

Sa pagdinig ng Commission on Appointments’ labor, employment, social welfare, and migrant workers panel, tinaong ni Senadora Risa Hontiveros si Tulfo sa kanyang assessment sa 4Ps program.

“Kung ako ho ang tatanungin niyo personally as secretary of DSWD, kailangan po talaga review-in po ang 4Ps natin kung talagang ito ay effective,” sabi ni Tulfo.

“Effective ho siya. Unfortunately, ’yun nga hong sinasabi kailangan lang hong mayroong i-fine-tune po diyan po sa 4Ps na ‘yan,” dagdag pa niya.

Dagdag pa ng kalihim, may mga benepisaryo din umano ng 4Ps na inaabuso ang ayuda at ginagamit sa sugal. (Dindo Matining)

The post DSWD chief Tulfo: 4Ps epektibo pero kailangan pang perpekin first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT