Nawasak ang isang footbridge matapos sumabit ang container van na dala ng isang trailer truck sa bahagi ng Sucat Avenue, Parañaque.

Ayon sa 24 Oras Weekend, hindi muna madadaanan ng mga pedestrian ang footbridge dahil sa nasirang girder.

Samantala, ayon sa driver ng truck hindi naman mabilis ang kanyang pagpapatakbo subalit nagulat na lang umano siya nang makarinig ng kalabog pagdaan sa ilalim ng footbridge.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, bahagyang nakaangat ang container van dahil sa wala umano itong laman dahilan kaya ito sumabit.

(STN)

The post Footbridge sira nang sumabit container van ng isang trailer truck first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT