Ayon sa Supreme Court (SC), 9,183 umano ang nakatapos ng Bar Exam. Ang exam ay ginawa sa 14 educational institutions sa bansa.

Nitong taon ay 10,006 na law graduates ang nagsumite ng kanilang aplikasyon para sa 2022 Bar examinations ngunit bumaba ito, 9,207 ang matagumpay na nakatapos ng exams ng political, international and labor laws noong Nobyembre 9.

Noong Nobyembre 13 naman ay 9,196 na aplikante ang nakatapos ng exams ng criminal and commercial laws at nito lamang Nobyembre 16 ay 9,190 ang sumabak sa pagsusulit sa civil law. Tinapos din ng mga ito ang exams ng remedial law and legal ethics.

Matapos ang bahagyang pagbaba ng mga aplikante na tumuloy sa Bar Exam, pinayuhan naman ni Bar exams chairman Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa ang mga aplikante na huwag mawalan ng pagasa.

Ang 2022 Bar examinations ay ang pangalawang digitalized and regionalized exams magmula ng tumama ang pandemya sa bansa noong 2020.

The post Higit 9,000 nakatapos ng Bar Exam first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT