Inendorso ng House Committee on Agrarian Reform sa plenaryo ang panukala na bubura sa interes, multa at iba pang dagdag na singil sa utang na hindi nabayaran sa oras ng mga magsasaka, mangingisda at benepisyaryo ng agrarian reform.
Saklaw ng panukalang Agrarian and Agricultural Loan Restructuring and Condonation Act (House Bill 5702) ang mga pautang ng Department of Agrarian Reforms (DAR), Department of Agriculture (DA), People’s Credit and Finance Corp. (PCFC), Cooperative Development Authority, National Food Authority (NFA), at Quedan and Rural Credit Guarantee Corp. (Quedancor).
Ang one-time condonation at restructuring ng utang ay para sa mga magsasaka na nasalanta ng kalamidad at hindi para sa mga magsasaka na sinadya o walang balak na magbayad ng utang.
Ang mga makakakuha ng condonation at restructuring ay ang mga magsasaka, mangingisda o agrarian reform beneficiary na nakapagbayad ng hindi bababa sa 5% ng kanilang utang sa panahon ng aplikasyon.
Ang restructuring ng utang o pagbabago sa termino ng bayarin ay depende sa kakayanan na makabayad ng nangutang. (Billy Begas)
The post House panel inendorso pagbura sa interes, multa sa utang na hindi nabayaran ng magsasaka first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento