Isinara ang Igorot Stone Kingdom sa Baguio City matapos ang ilang paglabag nito.

Ang nasabi kasing lugar ay wala palang business permit at may isyu rin sa kaligtasan.

Mismong si Mayor Benjamin Magalong ang nag-utos ng pagpapasara rito at hindi ibabalik ang operasyon sa lugar hangga’t hindi nakakapagpasa ng kaukulang dokumento ang may-ari ng lugar.

Dagdag pa rito, ayon sa assessment na ginawa ng Asian Development Bank and city disaster risk reduction and management office, ang lugar umano ay “very high landslide exposure.”

Isa ang Igorot Stone Kingdom sa mga bagong atraksyon na dinadayo sa Baguio City.

(CS)

The post Igorot Stone Kingdom isinara first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT