Isang scam ang kumakalat ngayon at ito ang tinatawag na ‘Ikaw ba ang nasa video’ scam, kung saan makakatanggap ng mensahe na may pagtanong kung ikaw ba ang nasa video at may kasamang link. Kapag napindot mo na ang link, maaari umanong ma-reset ang iyong Facebook messenger at mababago rin umano ang username at password.

Nito lang nakaraang linggo ay nakapagtala ang Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) ng higit sa 100 kaso ng nasabing message scam.

“There were a lot of netizens saying they have been victimized. In the past week, there were at least 120 cases,” ayon kay ACG Public Information Office chief Lt. Col. Jay Guillermo.

Ayon naman sa Philippine National Police (PNP), malaking tulong umano ang Republic Act 11934 o ang SIM card registration law upang masugpo ang mga ganitong scams.

(CS)

The post ‘Ikaw ba ang nasa video’ scam kumakalat ngayon first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT