Ilang empleyado ng Twitter ang tanggal na sa trabaho matapos ang pag-upo ng bago nitong may-ari na si Elon Musk.

Iba’t ibang empleyado mula sa iba’t ibang departamento ang pinatalsik katulad na lamang ng ethical AI, marketing at communication, search, public policy, wellness at iba pang grupo.

Pati umano ang grupo na humahawak ng human rights sa Twitter ay tanggal na rin.

Ayon naman sa isa sa mga natanggal na si Simon Balmain, dating Twitter senior community manager, hindi pa rin umano malinaw ang rason ng pagtanggal sa kanila sa puwesto.

Sa kasalukuyan, tinatayang nasa 3,700 na empleyado na ang tinanggal ni Elon Musk. (CS)

The post Ilang empleyado ng Twitter pinatalsik ni Elon Musk first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT