Niregaluhan ng Toyota Wigo ang isang Physician Licensure Examination (PLE) passer na mula sa University of Cebu School of Medicine. Ang nasabing regalo ay galing kay Atty. Augusto Go na ibinigay kay Dr. Mark Johnuel Duavis.

Si Duavis ay pumasok sa top 10 ng nasabing exam na may average na 87.08%.

“The tradition continues. This Toyota Wigo Car, a gift from our Chairman, Atty. Augusto Go is waiting for our OCTOBER Physician Licensure Examination board placer Dr. Mark Johnuel Duavis. Congratulations.” saad sa caption ng University of Cebu School of Medicine.

Samantala, ayon sa Professional Regulation Commission (PRC), 3,826 na aplikante ang nakapasa.

Tinataya naman na nasa 5,958 na aplikante ang sumabak sa PLE exam.

Isinagawa ang PLE sa iba’t ibang lugar sa bansa katulad na lang ng Manila, Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao at Zamboanga.

Mula naman sa University of the Philippines (UP) Manila College of Medicine ang dalawang nanguna sa PLE board exam. Ang dalawa ay may average score na 89.00% at 88.75%.

(CS)

The post Instant sasakyan! PLE board passer nakatanggap ng sasakyan first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT