Instant milyonaryo ang dalawang bettor matapos nilang mahulaan ang winning combination sa Lotto 6/42 at Grand Lotto 6/55 nitong Sabado.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nakuha ang jackpot sa Lotto 6/42 na nagkakahalaga ng P15.3 million.

Ang winning combination ay 31-32-08-25-29-14.

22 mananaya naman ang nakahula ng limang numero, nag-uwi sila ng P24,000.

Samantala, sa 6/55 ay nakuha rin ang 40-03-34-37-19-15 winning combination.

Dahil dito, wagi ng P29.7 million ang isang lucky bettor, habang 12 naman ang nakakuha ng P100,000 para sa second prize.

The post Jackpot sa lotto, sinolo ng 2 mananaya first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT