Hiniling ng isang kongresista sa mga miyembro ng Kamara de Representantes na boluntaryong magbigay ng tulong para sa naulila ng broadcaster na si Percy Mabasa.

Sa House Resolution 508, ipinunto ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr. na nagawa ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez na makalikom ng P5 milyon para maging reward sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon para mahuli ang mga nasa likod ng pagpatay kay Mabasa.

“While the giving of reward is commendable for the immediate apprehension of the perpetrators of the crime, it is also equally important that we provide aid to the heirs of the slain journalist whose relatives are now suffering from threats and intimidation in their lives,” sabi ni Barzaga.

Bilang sponsor ng resolusyon, sinabi ni Barzaga na siya ay magbibigay ng P100,000 kontribusyon para sa naulila ni Mabasa.

Ayon sa resolusyon, ang donasyon ng mga mambabatas ay iipunin ni House Secretary General Reginald Velasco at ang lahat ng malilikom na hanggang sa Nobyembre 30 ay ipadadala sa mga naulila ni Mabasa. (Billy Begas)

The post Kontribusyon para sa pamilya ni Percy Mabasa hiniling sa Kamara first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT