Isang lalaki mula sa India ang maswerteng nakaligtas matapos palibutan ang leeg nito ng isang malaking sawa. Nakasalamuha umano ng lalaki ang sawa habang ito ay nangingisda sa Parihara Panchayat, Jharkhand.

Nang dahil sa kalasingan, dinampot umano ng lalaki ang sawa at walang takot na sinampa ito sa kaniyang leeg dahilan upang i-lock ng sawa ang kaniyang leeg.

Mabilis naman na nahimasmasan ang lalaki at humingi kaagad ng tulong sa kaniyang mga kasama sa pangingisda.

Pilit na tinatanggal ng kaniyang mga kasama ang sawa na mahigpit ang kapit sa kaniyang leeg at tila walang balak bumitaw.

Matapos ang ilang minuto na pagtanggal, matagumpay naman na natanggal nang kaniyang mga kasama ang sawa sa kaniyang leeg.

(CS)

The post Lasing na lalaki himalang nakaligtas matapos yakapin ng sawa sa leeg first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT