Inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) na ang libreng sakay para sa mga pasahero sa EDSA ay magagamit 24/7 simula sa Disyembre 15 hanggang 31, ito na ang huling araw kung saan magiging libre ang pagsakay ng mga pasahero sa nasabing programa.

Ayon naman kay Transportation Secretary Jaime Bautista, ang 24/7 sa mga nasabing araw ay tulong para sa mga pasahero na nagtatrabaho sa gabi lalo na’t paparating na holidays at ang pag-extend ng mga mall sa kanilang oras.

Ang dahilan kaya’t natigil ang programa na ‘Libreng Sakay’ para sa susunod na taon ay sa kadahilanang hindi pagpasa sa hiling ng DOTr sa Department of Budget and Management (DBM) na P12 bilyon na pondo para sa susunod na taon.

Kasalukuyan magagamit ang libreng sakay mula Monumento hanggang Caloocan City papuntang ParaƱaque Integrated Terminal Exchange mula alas-quatro ng umaga hanggang alas-11 ng gabi.

(CS)

Read more:

Libreng sakay sa EDSA Bus Carousel kinuwestiyon ng Pasang Masda

Daanan ng pasahero sa EDSA Busway palalawakin

LTFRB pinayagan pamasahe sa EDSA Bus Carousel

The post Libreng sakay sa EDSA hanggang Disyembre 31 na lang first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT