Humihiling ang Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) ng taas-presyo sa kanilang serbisyo, hiling ng LRT-1 na magkaroon sana ng pagtaas na nasa P5.46.
Ang petisyon umano sa taas-presyo ay noong Abril ba isinumite.
Kung sakaling ito ay matuloy, mula sa P11 na kasalukuyang presyo ay aangat ito sa P16.46 at magkakaroon ng dagdag kada kilometro ng P1.50.
Huling nagkaroon ng taas-presyo sa LRT-1 ay noong 2015.
Kung sakaling umanong maaprubahan ang taas-presyo ay posible rin na may taas-presyo rin sa LRT-2 at MRT-3.
Hindi ito ang unang beses na nagpetisyon ang kumpanya ng taas-presyo, noong 2016, 2018 at 2020 humiling na rin sila ng taas-presyo ngunit ito ay hindi tinanggap.
Ayon sa kumpanya, nalugi umano sila ng P2.6 bilyon nang dahil sa hindi pag-apruba ng taas-presyo.
(CS)
The post LRT-1 humiling ng taas-presyo first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento