Nangako si Executive Secretary Lucas Bersamin na titiyakin niyang magkakaroon ng tamang koordinasyon sa mga tanggapan ng gobyerno para maiwasan na maulit ang pagkakaroon ng ‘misccomunication’ tulad na nangyari sa kontrobersyal ng Sugar Order No. 4 (SO 4).

Sa pagdinig ng Commission on Appointments (CA) committee sa ad interim appointment ni Bersamin, tinanong ni Senadora Risa Hontiveros kung ano ang ginagawa nitong hakbang para hindi maulit ang sugar fiasco.

“Tingin ko po sa nangyari ay talagang miscommunication and since we came to this position, we made sure that this will never happen again by requiring complete staff work ordinarily and complete staff work, at that time, might have avoided this confusion and miscommunication,” lahad ni Bersamin.

“Right now, we do not anymore tolerate the lack of coordination that happened here and I have imposed upon everyone not to assume or presume that the President already approves a certain act until or unless I or my senior deputy executive secretary have signified the approval. This is to avoid the unnecessary presumptuous action taken in the fiasco,” dagdag pa niya.

Sa ilalim ng Sugar Order No. 4, pinapayagan nito ang importasyon ng 300,000 metriko tonelda ng asukal, na ayon sa Palasyo ay iligal dahil walang basbas ni Pangulong Ferdinand Marcos, na kalihim din ng Department of Agriculture (DA).

Ang Agriculture secretary din ang chairperson ng Sugar Board.

Nagsagawa ang Senate blue ribbon committee ng imbestigasyon sa pag-isyu ng SO 4 at inirekomenda ang paghahain ng administrative at criminal charges laban sa isang opisyal ng DA at tatlong opisyal ng Sugar Regulatory Administration (SRA).

Ang mga nirekomendang kasuhan ay sina suspended Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian, dating SRA administrator Hermenegildo Serafica, dating Sugar Board member Roland Beltran at dating Sugar Board member Aurelio Gerardo Valderrama Jr. (Dindo Matining)

The post Lucas Bersamin: Sugar fiasco hindi na dapat mauulit first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT