Habang nag-aayos ang isang magjowa mula sa North Yorkshire, England sa kanilang bagong bahay, nakadiskubre ang mga ito ng rare na $800,000 na gold coins.

Ang mga coin umano ay nakalagay sa isang cup at mula pa ang mga coin noong 1610 hanggang 1727 na taon.

Matapos madiskubre ng magjowa ang mga barya ay dali-dali itong nagpunta sa isang auction sa London upang ipasuri kung ang mga barya ay totoo.

Ang mga barya umano ay mula sa isang mayaman na pamilya sa Hull, England. Ito ay ang Fernley-Maisters family. Ang ilang miyembro rin umano ng pamilya ay nagsilbi sa Parliament at Whig, isang political party sa England.

META: Isang magjowa mula sa England ang nadiskubre ang $800,000 na gold coins sa kanilang bagong bahay.

(CS)

The post Magjowa nadiskubre ang $800,000 na gold coins sa kanilang bahay first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT