Inuga ng magnitude 4.8 na lindol ang karagatan ng Pangasinan ngayong Sabado ng umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang lindol ay nasa layong 89 kilometro timog-kanluran ng bayan ng Agno, Pangasinan at may lalim na 1 kilometro.

Naramdaaman naman ang Intensity I sa Bani at Bolinao sa naturang probinsya.

Samantala, wala namang inaasahang aftershock o pinsala ang lindol.

(STN)

The post Magnitude-4.8 na lindol niyanig karagatan ng Pangasinan first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT