Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9995 o Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009 ang isang 50-anyos na lalaki matapos na mahuli ito na kinunan ng video ang dalagang anak ng kanyang live-in partner habang naliligo sa banyo sa kanilang bahay sa Lucena City.
Nitong Huwebes ay ipinagharap na ng sakdal ng biktimang si Alyas Tintin, 20 anyos ang suspect na si Johenes Vital, residente ng Barangay Ibabang Dupay.
Batay sa reklamo sa pulisya ng biktima, nangyari ang insidente noong Martes ng umaga nang umano’y habang naliligo siya ay makita nito ang cellphone ng kanyang tatay-tatayan na nakalusot sa butas sa taas ng dingding ng kanilang banyo.
Nakita naman ng kaibigan ng biktima ang ginagawa ng suspek kaya nagmamadali itong umalis dala ang cellphone.
Nagsumbong sa kanyang nanay ang biktima at ng kunin ang cellphone ay nakita dito ang mga hubad na picture at video ng biktima.
(RONILO DAGOS)
The post Manyakis na Ama-amahan, Vinedio ang naliligong anak na ka-live in first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento