Lalong palalakasin ng Pilipinas at China ang kanilang ugnayan sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Bongbong Marcos.

Ito’y matapos makausap ni Marcos si Chinese Premier Li Keqiang upang mapagtibay ang relasyon ng dalawang bansa.

Nagkita ang dalawa sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Plus Three Summit sa Cambodia.

Saad ni Office of the Press Secretary Officer-in-Charge Undersecretary Cheloy Garafil, pinaniniwalaan ng dalawang opisyal na mas maganda na maayos ang relasyon ng China at Pilipinas kaysa sa kanilang ‘differences’.

Nagpasalamat din si Marcos kay Li dahil sa pag-alala sa kanyang tatay na si dating Pangulo Ferdinand Marcos Sr., na pumunta sa China noong 1975 kahit may gusot sa pagitan ng dalawang bansa noon.

“I thank you for remembering my father and his initiative to come to China and it was he after all who made Philippines and China family,” sambit ni Marcos.

Nangako si Marcos na pag-uusapan muli ang partnership ng ‘Pinas sa China sa pagbisita niya doon sa Enero.

Read more:

Bongbong Marcos hindi kakapitan ang DA

Bongbong tiwala sa PH Para squad

Bongbong Marcos dumating na sa Davao

The post Marcos Jr pasalamat sa China: Thank you sa pag-alala sa tatay ko first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT