Hinimok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga ASEAN country na lumapit sa India para sa access sa mga gamot at bakuna.

Sa ASEAN Summit, nabanggit ni Marcos na hindi dapat palampasin ang pagkakataon na makatulong ang India, na tinuturing na ‘pharmacy of the world’.

“The high cost of life-saving medicines and vaccines are barriers to a healthy population,” lahad ni PBBM.

“Let us work closely with India in ensuring that our region has access to a sufficient volume of affordable, high-quality medicines and vaccines,” aniya pa.

Matatandaan na noong Agosto ay nakupag-usap na si Marcos kay India prime minister Narendra Modi para sa pagtutulungan ng dalawang bansa.

The post Marcos patulong sa India makakuha ng gamot, bakuna first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT