Nalagpasan na umano ng National Capital Region (NCR) ang “wave of infections” ng mga Omicron subvariant na BA.5 at BA.4.

Ayon ito kay Dr. Rontgene Solante, infectious diseases expert, nang tanungin kung ano ang sa tingin nito’y dahilan ng pagbaba ng COVID-19 positivity rate sa NCR o bilang ng nagpopositibo sa 7.8%, batay kay OCTA Research fellow Dr. Guido David.

“We already passed the worst of the BA.5 and BA.4. Ibig sabihin, nalagpasan na natin ‘yung tinatawag natin na wave, so pababa na ang mga kaso,” lahad ni Solante sa public briefing nitong Miyerkoles.

“Second, dahil bumaba na siya, we also developed some form of population immunity na nakukuha natin doon sa infection. Nag-develop na ng antibodies against BA.5,” dagdag niya.

Maliban dito, bumaba na rin aniya ang nako-confine sa mga ospital dahil sa COVID-19 sa rehiyon pati na sa intensive care unit. (IS)

The post Metro Manila nalagpasan bugso ng mga Omicron subvariant first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT