Tinatayang nasa 60 na bangkay ng PDL na hindi pa nake-claim ang inilibing ng Bureau of Corrections (BuCor) sa New Bilibid Prison Cemetery. Ang mga nasabing bangkay ay matagal na umano nakatengga lang at walang kumukuha sa isang punerarya sa Muntinlupa.

Ang ilan pa umano sa mga bangkay ay 11 na buwan ng nakatengga lang. Alas-tres ng madaling araw nang magpunta ang mga tauhan ng BuCor sa punerarya upang kuhanin na ang nasa 60 na bangkay na nakatengga lang at walang kumukuha at bandang alas-siyete naman ng umaga ng inilibing na ito.

May protocol ang BuCor hinggil sa mga bangkay na hindi kinukuha, kapag ito ay lumagpas na sa 90 na araw at wala pa rin na kumukuha, ililibing na ito sa New Bilibid Prison Cemetery.

Sa kasalukuyan ay wala pang malinaw na datos kung ilan ang hindi pa nakukuha na bangkay sa punerarya lalo na’t labas-pasok ang mga bangkay dito.

The post Mga bangkay ng PDL inilibing ng BuCor first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT