Nagpa-good vibes sa mga netizen ang isang delivery rider na hinatid sa kanyang kostumer na manganganak na ang mga inorder nitong item at kinunan pa ng litrato bilang proof of delivery.

Ayon sa uploader na si Noreen Tiempo, hinatid ng delivery rider sa isang maternity clinic ang mga inorder ng buntis.

Bilang patunay na nai-deliver niya ang mga item ay kinuhanan niya ng larawan ang nagli-labor na kostumer kasama ang mga inorder nito.

“Ganahan kaayu ko sa J&T Delivery ba. Kugihan kaayu si Kuya.

Pero nagkatawa mi tanan kay kami nabusy sa among Buntis kay nag bati sa dihang naa diay siyay Parcel way pagduha duha niapas jud sa Maternity si Kuya Delivery. Hahaha! Nice One Kuya! Hahaha pero nagkatawa jud mi hahaha kay Gipicture ran pa jud as Delivery proof nga na received ni Buntis ang Order bisag nag bati na,” ani Tiempo sa viral Facebook post.

😂😂😂😂🤣sakit sa tiyan kakatawa,” comment ng isang netizen

“Dapat pinangalan sa bby ang pangalan ng rider 🤣🤣🤣✌🏻✌🏻✌🏻✌🏻,” sabi naman ng isa.

“Paano kung tumatae 😂😂,” dagdag ng isa pa. (IS)

The post Mga inorder hinatid sa nagli-labor na kostumer first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT