Dinagsa ang mga sementeryo sa iba’t ibang panig ng bansa partikular na ang Manila North Cemetery at Manila South Cemetery.

Ayon sa Manila Public Information Office, mahigit 200,000 katao ang dumalaw sa Manila North Cemetery.

Madaling-araw pa lang daw ay mahaba na ang pila na umabot sa Blumentritt Road.

Sa dami rin umano ng tao ay hindi na naipatupad ang physical distancing.

Samantala, sa Manila South Cemetery inabot ng isang oras bago nakapasok ang mga tao dahil may ibang nagdala ng mga anak na hindi pa bakunado laban sa COVID-19.

Umabot naman umano sa mahigit 204,000 ang dumalaw sa nabanggit na sementeryo.

Panoorin ang buong detalye ng balitang ito sa “I-Abante Mo”. (IS)

The post Mga sementeryo sa Maynila dinagsa first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT