Nakaramdam ng pagbagsak sa sales ang Monde Nissin matapos lumabas ang kontrobersyal na isyu tungkol sa Lucky Me! noodles.

Matatandaang nagkaroon ng isyu ang mga produkto ng Lucky Me! sa Europe matapos itong sitahin nang makitaan umano ng mga kontaminasyon ng kemikal.

Ngunit binawi naman ito ng Philippine Food and Drug Administration at sinabing ligtas umano kainin ang Lucky Me! noodles.

Ayon naman kay Monde CEO Henry Soesanto, nakakabawi naman na umano sa sales ang Lucky Me! at patuloy din ang pag-adjust ng kumpanya sa proseso ng pag-manufacture.

“Additionally, we have enhanced our sourcing, testing, and overall processes in an effort to ensure that our products adhere to all food quality compliance standards, regardless of what jurisdiction they are sold in,” ayon kay Soesanto.

Ang Monde ay isang kumpanya na namamalagi sa Pilipinas, ang mga brand nito ay ang Lucky Me! noodles, Skyflakes, Monde at Quorn.

(CS)

Read more:

FDA: Lucky Me! pancit canton kalamansi nakitaan ng kemikal

Monde Nissin: Lucky Me! walang dagdag na ethylene oxide, nakasunod sa FDA standard

Lucky Me! Pancit Canton nagbagong bihis

The post Monde Nissin bumagsak ang sales matapos ang isyu sa Lucky Me! noodles first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT