Isang lalaki mula sa Southern China ang napanalunan ang jackpot sa lotto na 220 million yuan o halos nasa $30.6 milyon.

Ayon sa lalaki, itinago niya sa kaniyang asawa at anak na siya ang nakasungkit ng jackpot.

Kinakatakot kasi ng lalaki na kung malaman ito ng kaniyang pamilya ay baka maging tamad na ang mga ito.

Upang hindi siya makilala, kinuha ng lalaki ang kaniyang premyo sa Guangxi Welfare Lottery Distribution Centre ng naka-costume.

Nag-donate naman ang lalaki ng limang milyon na yuan sa isang charity. (CS)

The post Nanalo ng lotto sa China, inilihim ang napanalunang milyon sa asawa at anak first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT