Ibinalik ng dalawang pasahero sa Port of Zamboanga ang kanilang napulot na bag na may laman na P150,000. Biyaheng Tawi-Tawi ang dalawang pasahero nang matagpuan ang bag, nakita umano ng dalawa ang bag sa parking area.

Wala namang alinlangan na isinauli ito ng dalawa kasama pa ang tatlong cellphone at ilang ID ng may-ari.

Kinilala ang mga nagsauli na sina Sharudin B. Suhod at Abdulkarim H. Nurkarim. Saludo naman ang Philippine Ports Authority (PPA) sa ginawang katapatan ng dalawang pasahero.

“Papuntang Tawi-Tawi ang mga GOOD SAMARITAN na sina Suhod at Nurkarim nang matagpuan ang bag at agad na inireport sa Port Police Division. Snappy salute para sa ating mga good samaritan sa pantalan!” saad sa caption ng PPA.

The post Napulot na bag na may laman na P150,000 isinauli first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT