Umakyat na sa 155 na katao ang namatay dahil sa nagdaang bagyong ‘Paeng’. Karamihan sa mga namatay ay galing sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Nagtala ang BARMM ng 63 na katao na nasawi, sumunod naman dito ang Calabarzon na may 34 na indibidwal na naiulat na nasawi at sa Western Visayas na may 33 na namatay.

Dagdag pa rito, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ay may 129 na katao ang nasaktan dahil sa bagyo at 34 naman ang naiulat na nawawala.

Kamakailan lang ay inilagay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Calabarzon, Bicol, Western Visayas at BARMM sa ilalim ng state of calamity.

(CS)

The post Nasawi dahil kay ‘Paeng’ pumalo na sa 155 first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT