Matapos mabigyan ng Filipino citizenship noong nakaraang taon ang Ateneo center na si Angelo Kouame, isa na namang international player ang nais makapagsuot ng uniporme ng Gilas Pilipinas at ito ay si Justin Brownlee, isang American basketball player na naging import para sa Ginebra San Miguel sa Philippine Basketball Association (PBA).

Malaking tulong ito sa Gilas Pilipinas lalo na’t patuloy ang paglakas ng iba’t ibang bansa dahil na rin sa mga training na pumapantay na rin sa lebel ng National Basketball Association (NBA).

Ngunit kailangan pa nga ba ng Gilas Pilipinas ng mga naturalized players kung mayroon namang mga Pinoy na kayang makipagsabayan sa international stage, katulad na lamang nila Kai Sotto, Carl Tamayo at Kevin Quiambao.

Sa kasalukuyan ay naglalaro si Kai Sotto sa Adelaide 36ers, si Carl Tamayo naman ay sa University of the Philippines at si Kevin Quiambao ay sa De La Salle University.

(CS)

The post Naturalized players malaking tulong sa Gilas Pilipinas first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT