Matapos ang nagdaang bagyong ‘Paeng’, mabilis na umaksyon ang Philippine Ports Authority (PPA) at minandato ang bawat aplikante ng permit, lisensya at kontrata, kasama na ang mga kontraktor nito na magtanim ng hindi bababa sa 1,000 seedlings ng puno o mangroves.

Target umano ng PPA na paigtingin ang tree planting activities.

“Bilang tugon sa panawagan ng ating Pangulong BBM na magsagawa ng tree planting activities, lalo pang paiigtingin ng PPA ang tree planting initiative nito sa ilalim ng PPA Administrative Order 14-2020,” ayon kay PPA General Manager Jay Santiago.

“Sa ilalim ng nasabing PPA memorandum, nakasaad na maaring makansela ang Permit To Operate, Certificate of Registration, at kontrata ng mga indibidwal at mga service provider sa mga pantalan na hindi susunod dito.” saad sa caption ng PPA.

(CS)

The post ‘No tree planting, no permit to operate’ inilunsad ng PPA first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT